narcissus in drag

some kinda wonderful,yeah!

20041121

ben

Ang kuwentong ito ay nilumot na kung paanong pwedeng nilulumot na rin siguro ang kuwelyo ng damit ni Ben ngayon. Hmm...mabawi nga. Malamang, pagkahubad pa lang niya ng damit ay wala pang trenta minutos nalabhan na iyon at naplantsa pa. Paanong hindi ko iisipin iyon, kasi ba naman, nagpunta sa casino namin ang loko, kadaming sekyu na dala. Sa totoo lang, hindi makalaglag-salawal ang beauty niya. Ewan, baka sa akin lang walang epek. Hindi naman pangit si Ben, eh. Medyo malaman nga lang. At talagang hindi maporma. Wala pang pakialam kung gumalaw, akala mo nasa bahay lang.Dugyutin pa kung manamit. Mukhang hindi naliligo.

Oo, walang iba kung hindi si Ben Affleck. Yabang ko, noh? Sa mga kuwentong showbiz yata mahilig ang Pinoy. Hindi ko pa nakikitang umakyat si Ben sa poker room namin, eh, natunugan ko nang andiyan siya. Paano, iyong mga kasamahan namin sa trabaho, lalo na mga Pinay, eh, hindi matigil sa kadadakdak tungkol sa kanya.

Sa dinami-dami ng tao sa poker room noong Miyerkules, hindi mo naman mapapansin na may artistang dumating. Maliban na lang kung iyon nga, sa kaso ni Ben, susunod-sunod sa kanya ang 'sanglibo't isang guwardiya na akala mo'y kung sino siyang importanteng Pontio Pilato. Siguro natatakot siyang dumugin ng mga libo ring kababaihang umakyat lang sa poker room para masilayan ang mala-Adonis niyang mukha. Talagang ginawan pa siya ng espesyal na mesa, kumpleto kasama ng mga 'velvet ropes to keep away interlopers'. Kahit ang tournament noong araw na iyon ay natigil ng ilang minuto dahil gustong makita ng ibang manlalaro kung paano magdala ng baraha si Ben.

Ano ba ang meron sa isang artista?

+-+-+-+-+-+-+-+-+-+

Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon na lang ang pag-iidolo ng mga utaw sa isang istariray. At mas lalong hindi ko maintindihan kung paanong ang isang mag-aaral ng dakilang unibersidad ng British Columbia ay sumagot ng ganito sa interbyu.Teka, kaunting filler muna sa background ng pang-ookray ko.

Si Ben, na hindi ko pa rin alam ang apelyido hanggang ngayon, kasintahan ng kaibigan kong si Mayuka, intsik at matangkad, okay lang naman kahit medyo mahiyain dahil alam kung siya ang kasiyahan ng kaibigan ko.

Si Ben, na kung saan magsuot si Mayuka ay nandoon din. Nag-aaral umintindi ng Hapones mula sa kanyang kasintahang Hapon at nag-ambisyong sumali't maging isa sa mga ehekutibong tagapangasiwa ng organisasyong Hapon. Dahil siyempre, para makasama ang kanyang irog.Si Ben, na naghahanap ng pansamantalang trabaho ngayon, para lang palamutian ang kanyang resumé para makakuha siya ng trabaho sakaling magtapos siya sa susunod na taon mula sa kursong komersiyo.
Ewan ko na lang kung paano siya makakahanap ng trabaho kung ganitong hindi niya kayang mambola.
Tanong ng taong nag-iinterbyu sa kanya:
" Why do you want to be an executive in our Japanese Club? "
Ang tahasang sagot ng hindi marunong magsinungaling na Ben:"
Because my girlfriend is Japanese. "

0 Comments:

Post a Comment

<< Home