mini reklamo kay Alfie
Biyernes
Ginising ako ng telepono ko. Ewan ko, ha. Kung kailan akong nasa kasarapan talaga ng tulog, saka naman ako mabubulabog ng tawag. Galing daw sa trabaho. Lintek, naisip ko. Dapat ba akong magtrabaho ngayon at ginigising nila ako?
Sa babae iyong boses. Hindi ko naman kakilala. Michelle daw. Galing sa departamento ng human resources. May atraso ba ako?
" I called to tell you that you won?"
Ha? Nanalo daw ako ng gift certificate na nagkakahalaga ng limang daang dolyar mula sa isang mall dito. Okay. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nanalo sa isang contest na bunutan nang pangalan. Yey. Ayos na ang panggastos ko para sa mga regalo sa Pasko.
Makukuha ko sa Linggo o Lunes.
Hindi na ako nakatulog ulit.

+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+
Tinanong sa akin ng mga kaibigan ko kung anong gusto kong regalo. Sabi ko scanner. Noong nasa tindahan na kami, nagbago isip ko bigla. Bibili na lang ako ng mini Ipod. Sabi ko bigyan na lang nila akong pera pambayad doon. Tapos nabanggit ko, noong binabayaran ko na, na nanalo ako ng $500 nga. Napatigil si Johnny.
" Why don't you just get your certificate then look for it in Richmond Centre instead of here?"
O nga naman. Ang engot ko talaga. Eh kaso, nabili ko na. Kaya hayan, ang mini Ipod, nakatunganga lang sa kuwarto ko, nasa loob ng kahong selyado pa. Isosoli ko na lang kapag sigurado na akong makukuha ko nga ito ng libre sa ibang tindahan gamit ang certificate na napanalunan ko daw.
Ewan ko na lang kung bibigyan pa ako ng regalo nito.
+-+-+-+-+-+-+-+-+-+
Kumain kami sa Cactus Club. Okay naman ang pagkain doon, kaso ang ingay. Sobra. Bukod sa mga dakdakan ng mga kustomer ay malakas pa ang musika. Dapat ambience lang, eh. Tradisyon na namin kasing magkakaibigan na kumain at manood ng sine kapag mayroong may kaarawan. Pagkatapos kong lantakan ang libreng ribs dumiretso kami sa sinehan. Dapat Team America panonoorin namin kaso napanood na ni Johnny. Okay lang naman daw mapanood niya ulit kaso si Mayuka, nasayangan sa pera. Ayoko naman ng cartoons ( The Incredibles). Ayaw rin ila ng korning Saw. Ako rin ayaw ko. Mala-Hannibal Lecter iyong kuwento yata. Mas maiging basahin kaysa panoorin. Iyong Bridget Jones naman puno na daw. Kaya napasok kami sa Alfie. Tungkol sa playboy. Hindi naantig ang damdamin ko, hindi rin naman ako natawa. Napaismid lang, napangiti. Kumabaga parang walang kinang ang sine. Ulam na walang asin. Kahit sagot nila, pinagsisihan kong nanood kami ng sine ng araw na iyon.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home