soap opera episode 004
Kung nanonood lang ang mga diyos sa pelikula ng buhay ko, malamang, matagal na nilang minura ang pinilakang tabing. Hmmm...sa kabilang banda, siguro mas maaliw sila. Kasi naman, sobrang drama talaga. Ang daming kaekekan. Ako nga nasusuka paminsan sa mga kadramahan ng buhay ko.Tamo na lang ha. Di nga nilayasan ako ng magaling kong siyota. Pumunta ng 'Pinas. Tinakbuhan ang kaarawan ko. Eh di sabi ko, split muna kami. Ngayon, nasa trabaho ako. Nakapatay na telepono ko. Siya lang naman kasi ang tumatawag sa akin ng ganoong oras ng gabi. Kumbaga naisip ko na sayang lang ang baterya, at dahil wala siya sa bangkuber. Aba, nabuksan ko nang pauwi na ako. May voice messages daw ako. Tatlo. Ang unang dalawang voice message, binabaan lang ang tunog. Putris na 'to sa isip-isip ko, kaya nga naimbento ang lintek na voicemail, eh, para mag-iwan ka ng mensahe. Nang sa gayon, matawagan ka pabalik ng walang muwang na tinawagan mo. Bura tuloy ako ng bura. Mga taong 'to di nag-iisip, inaaksaya pa oras ko. Pagdating ng ikatlong mensahe, hulaan mo kung sino.
Si Bon.
" Hey, uh...Kathy ( parang nakalimutan pa niya pangalan ko), it's Bon, calling. I got your messages.."
Balik tayo doon sa mga iniwan kong mensahe.
Message 1" Hey Bon, it's Kathy calling. Call me back, duh."
Message 2" Hey Bon, it's Kathy calling. I'm just worried about you. Call me back, please. Okay, bye"Message 6" Bon, it's been bloody three days now. I think you're in fucking Philippines, so yeah, might as well fucking split up then."
Tinawagan ko ulit siya.Hindi ko pa sinasabi sa inyo, bata pa lang ako mahilig na ko sa away. Hindi naman sa mahilig. Lapitin lang ako ng kumplikasyon. Kaya nga basagulera, eh (bansag ng guro ko noong ikalimang baitang). Ano pa, eh di nakipag-away ako.
" I'm not gonna bother with you anymore, Bon. "
" I got mugged in the airport, got stranded."
Pinaiyak pa ako.
" Get to my house then. If you don't, then don't bother calling me anymore."
Sumakay nga ng taksi, sumakay ng tren. Kaso mo, iyong tren, hindi pupunta doon sa pupuntahan niya. Wala nang biyahe dahil disoras na ng gabi. Dito, sa " the best place to live on earth" kuno, natutulog ang mga tren. Bahala ka na kung wala kang masakyan kahit holdap ang presyo ng buwanang pasahe. Ngayon walang masakyan 'tong si Bon. Malas niya talaga. Ginising pa niya iyong kaibigan niya para lang ihatid siya. Naging sadista pa ako ngayon.
Pagdating niya ng bahay, pinapasok ko agad.
" Let me see your face "
Pumayat siya. Isang linggo lang, ha. Mukha nga yatang natuluyan sa takot 'to. Ewan ko pero nang hinarap niya na ako, bigla na lang umigkas ang kamay ko't kusa siyang sinampal. Tahimik ang gabi at maririnig mo ang plak isang kanto mula sa bahay namin. Oh di ba, drama.Hindi na ako galit sa kanya. Tapos na iyon, eh. At ewan ko kung pagpapakagaga nga itong ginagawa kong pakikisama sa kanya. Basta ang mahalaga, kami.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home