panayang ng espasyo
Wala nang kuwenta talaga ang mga pinagsususulat ko. Makinilyang mekaniko na lang ang nangyayari. Bawat tipa ng letra'y nagluluwal ng mga salitang walang kaluluwa. Hindi ko alam kung saan nag-ugat ang pagkawala ng damdamin ng mga akda ko. Marahil, ngayon, nagbago na naman ako, mas naging ako't nabawasan ng pakiramdam. Teka...ang drama.Hindi ko alam. Ni isang sandali ng buhay ko'y malimit dumapo ang ligaya. Suicidal.
Takot naman akong magpakamatay. Iniisip kong hindi ko kayang sumuko. Ipinanganak yata akong palaban, kahit talo na'y sige pa rin. Puro pasa na't malakas na ang agos ng luha't sipon ay sige pa rin. Masyado akong mayabang (lahat daw ng maliliit ganoon, tamo boss ko, may higanteng pick-up, eh kailangan pa niya ng hagdanan para lang makapasok doon). Tamo, kapal ng mukha kong mag-blog, wala naman akong masabing may kwenta.
May patutunguhan ba to?Lahat ng ideya'y gamit na. Pinagsawaan nang ikuwento ng iba. Isang sirkulo lang iyan, asong ulol na naghahabol ng buntot. Paulit-ulit lang.Gaya ng mga letra dito.
Ano, nabawasan na ba ng ilang minuto ang buhay mo?Hindi ka makakahanap ng katuturan dito.Teka nga...ang gulo na.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home