narcissus in drag

some kinda wonderful,yeah!

20041109

birthday cakes

Mukha yata akong patay-gutom pa rin. Siguro gusto nila akong patabain. Kasi lahat ng mga friendly friends ko, well karamihan sa mga nag-abala, cake ang ibinigay. Hindi naman ako nagrereklamo, nagtataka lang. Noong Sabado, dahil pilay si Teresa at hindi makapaglamyerda, sa bahay na lang nila kami. May inuman pa rin, pero hindi ako naglasing. Ayoko nang mamaga ang mga kamay ko't mangati na naman. Nagluto siya at for dessert, hayan na. Cake, cake at cake pa rin. ( At sinama ako sa pagsisimba)Pagdating sa trabaho, co-workers kong nakakaalam, bigay sa akin, cake. Heto ngayon, habang sinusulat ko, nginangata ko yung espresso mocha flavor daw (espresso na nga, mocha pa). Sa mga talagang matagal-tagal ko nang nagiging kaibigan, sana naman hindi lang cake bibigay nila. Sawa na ako sa cake. Oo na nga, reklamadora talaga ako. Kasi gusto ko ng scanner. Tinanong pa nila ako kung anong gusto ko, ha. Sana bigay na lang nila sa akin. Mura lang naman iyon. Pag walang scanner pera na lang. Malalaman ko sa Biyernes kung pera ba o scanner ang ibibigay nila. Ngayon sinasabi ko na gusto ko, last year kasi, mahahalay binibigay nilang regalo noong sinabi kong kahit ano na lang maisipan nilang ibigay. At least ngayon, hindi ko na kailangang i-plaster ang ngiti sa mukha ko. Sana. (* Hindi nakatulong ang pagsisimba sa pagbabawas ng pagkamateryoso ko)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home