dugtong dugtong na bugtong
Napakaraming bakit ang sumisiksik sa isipan ko. Nagkakauntugan na nga sila, nagkakapalitan na ng anghit. Padami ng padami ang populasyon ng bakit, samahan pa ng mga bastardong papaano. Hindi ako mapakali, kausap ko na ang boss ko, iyon at iyon pa rin ang lumilitaw, pilit na humuhulagpos at bumabalot sa kukote ko. Kaya naman kahit sa pagtulog, ikaw na lang ang nasa isip ko. Hindi maikakaila, nag-iwan ka ng bakat na sadyang hndi na siguro mabubura. Magaling ka ring pumili ng tiyempo, kaya naman kahit galit ako sa iyo, bilib pa rin ako. Siniguro mong hindi kita makakalimutan. At sigurado ako, bawat paglapit ng kaarawan ko'y ikaw ang maaalala ko. Alam ko, lilipas din ito. Lahat naman ng bagay may hangganan. Darating rin ang panahon na burado ka na sa aking gunita. Pero sa ngayon, makukuntento muna akong sinasampal ka sa mga panaginip ko.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home