sugapa
Dealer ako ng poker. Uso na naman sa North America 'tong larong 'to. Makikita mo sa telebisyon ang libong tournament na may libong manlalaro. Padami ng padami ang mga taong nag-iisip na mas makakakita sila ng pera sa paglalaro ng poker kaysa sa pagtratrabaho. Sama mo na ako doon.Totoo naman.Biro mo, para kang athlete, maglalaro ka lang, may bayad na. Kaso pera mo ang puhunan, wala kang makukuhang sponsor maliban na lang kung talagang sikat ka at kinuha kang model/spokeperson/representative ng bagong linya ng cap o di naman kaya'y sunglasses. (Kasi karamihan ng poker players mga lalaki na walang fashion sense, tingin nila cool ang magtago sa likod ng salamin at sombrero. Kaso mo wala namang poker player ang magpapauto na bumili ng sombrero't salamin na pinapauso ng sikat kuno na poker player.)Hanap-buhay na talaga nila iyon. Pupunta sa casino't maglalaro, bibingwit ng mga uto-uto't bobong mga manlalarong magpapamudmod ng pera nila. Nakikita ko iyon. Kapag umuuwi ang ibang manlalaro, maliit na ang limang daan bawat gabi. Wala pang kaltas ng buwis iyon mula sa gobyerno. Buong buo mong makukuha. Siyempre dahil nga ang titulo mo'y unemployed kapag ganoon ang 'hanapbuhay' mo, wala kang babayaran para sa medikal mong pangangailangan. Pwede ka pang humingi ng sustento sa gobyerno. Kasi nga 'wala kang makitang trabaho'.Mukhang madali lang namang maglaro, eh. Kung kaya't noong nagyaya kanina si Vivian, sumama akong maglaro. Punta nga kaming blueboy. Slang iyon para sa The Grand Casino. Ewan bakit blueboy tawag. Ang liit lang ng kasino na iyon. Pangit pa. Luma na ang carpet, walang gaanong naglalaro at medyo madumi tingnan. Bugnutin pa ang mga dealer. Hindi man lang makangiti. Isang oras kaming naghintay ni Vivian at Chris para lang makaupo sa isang poker table. Andoon pa mga supervisor namin. Ano ba yan. Lumiliit ang mundong pinagsusugalan namin. Aaminin kong sugal na talaga ito. Madalas kasi, kapag lumalabas kami ng mga kaibigan ko'y laro lang talaga ang ginagawa ko. Ngayon, seryosohan na.Ilang beses din naman akong nanalo. Nanginginig pa nga ang mga kamay ko. Nagpuhunan akong sisenta, nadoble ko pera ko. Hindi na masama dahil kung tutuusin dalawang oras lang naman kami sa mesa. Kumabaga sa pumapatak ng kuwarenta dolyares ang presyo ng isang oras kong 'trabaho'. Kung sana'y may lakas lang ako ng loob, aaraw-arawin ko talaga itong pagsusugal.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home