narcissus in drag

some kinda wonderful,yeah!

20050311

tsismis!

Ang mga Pinoy talaga, mahilig sa tsismis!

Siyempre kabilang na ko sa sambayanan ng chisms.

At heto ang latest sa mga nagbabagang balita.

Manager, nakikipaglandian sa isang dealer.

At boom!
Magsiyota na daw sila!

Grabe. Ang masama pa doon, Pinay yung manager. Hindi naman isyu yung mga twenty years na pagitan nila sa edad. Ang isyu doon mga kaibigan, eh, pinagtatakpan niya yung mga kamalian nitong dealer na 'to. Nasuspende na nga raw ang naturang manager dahil sa hindi niya pagpasok para lamang maka-date hetong si lalaking dealer.

Ang isyu dito, nagpapakatanga siya. Hindi na na niya inisip ang hirap na dinaanan niya para lamang makarating sa posisyon niya ngayon. At paano na lang kung ginagamit lang siya ng lalaki para makapasa sa probation? Paano na lang kung masisante siya?

Ewan ko na lang.

Lahat ba ng umiibig nabobobo? Konting kilig lang, nagka-brain damage na.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home