when i grow up
Bitch!
Hindi ko makita kung sino ang tumawag. Letse. Kasi kailangan ko nang magsalamin. Pero tingin ko at kung tama ang hinala ko, rambulan na. Lumingon ako, inaninag kung sino, pumihit at bumalik.
Rambulan na nga.
Ang mahirap lang, eh kapag maliit ka. Kahit anong gawin mo, marunong ka mang umilag, talo ka pa rin. Hanggang kurot lang talaga ang pinaka-deadly mong panangga. Kasi nalaman ko, kahit kasing liit mo ang kalaban mo, kahit na akala mo'y kuha mo na siya't kinakaladkad mo na, pwede ka pa rin pala niyang buhatin at dalhin sa loob ng banyo ng mga lalaki.
Bitch, may araw ka rin.
Nga pala, peksman wala akong nakita.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home