pati ngipin, pineperahan na
Nabunot na nga ang apat na ngipin salamat sa mabigay na kamay ng dentistang si Davidson. Buti na lang may pampatulog. Mala-date rape drug ata iyon. Gising ka pero halos di mo malaman kung anong ginagawa sa iyon. Napapangiwi ka na lang sa loob.
Ayoko nang tingnan ang mukha ko sa salamin. Hindi ko na maramdaman ang panga't labi ko kung kaya't malamang maga na sila. Pagdating sa bahay, pilit pa akong pinapainom nang gamot. Buti na lang hindi ko nakagat ang pisngi sa loob ng bibig ko. Dugo nang dugo ang lintek. Kailangan pang magpalit ng bulak. Tatlong klase ng gamot ang dapat inumin. I hate pills.
At ang mas madugo ay ang pagwawalang-bahala ng isang dental receptionist.
Flashback mo nga 'tsong...
November 2004
Ang tagal no'h!
Kakalinis lang ng ngipin ko. Nang tinanong na naman ako nitong Caroline na 'to kung gusto ko na bang magpabunot. Sinagot ko siya ng tanong.
" Am I going to be fully covered for the operation? Like, I don't have to pay for anything,right?"
" Yeah, it'll be next year anyway."
Sige na nga. Why bother delaying the inevitable? Pakipot pa ako,hetong libre na nga.
Fastforward mo na...
February 2004, a day before judgement day.
Ginising ako ni Caroline. Good fucking morning after two hours of sleep!!! Nakalimutan kong patahimikin ang telepono ko. Maayos naman ang pananalita ko. Dinaan ko na lang sa pagtawa ang mga katagang "sorry about my voice, I just woke up". At siyempre, tinanong ko ulit kung may babayaran ako sa pagpapabunot na iyon. Sabi niya, wala na daw.
At ngayon, diretsahin na natin ang puno't dulo ng inis ko.
Iyong karelyebo ni Caroline na si Bonnie, tumawag kaninang umaga. Kinamusta ako. Nang malamang hindi naman ako naghihingalo, bigla niyang sinabing hindi daw covered lahat. Punyeta talaga. Ang rason lang kung bakit ako hindi papasok para lang magpakamasokista'y dahil libre. I'm not going to shell out three bills so I can nurse my chipmunk cheeks in a week.
Bahala sila diyan. I'll call you back na lang ang drama ni Bonnie.
Hanggang ngayon, alas sais na ng gabi, eh, hindi pa niya ako tinatawagan.
Bahala nga talaga sila diyan.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home