bwisit
Mamaya, mga mahigit kumulang tatlumpo't isang minuto mula ngayon, darating dito ang inspektor ng bahay. Wala lang. Titingnan lang niya kung hindi ba namin binababoy itong pinaparentahan niya, kung wala bang sira, at kung meron man, ano para maipaayos na niya.
Walang naiwan sa bahay kung hindi ako at tatlumpong minuto mula ngayon, darating na iyon. Kailangang hintayin ang pambubulabog.
Bwisit!
Aba mataas na ang araw. Sa mga taong buhay bampirang tulad ko, ang gabi'y araw at ang umaga'y oras ng paghihilik.
Basta pagdating sa pagtulog ko'y talaga namang madamot ako. Kahit kamo bumaha na't lahat, nagsisigawan na ang mga tao't mamaya-maya lang ay katabi ko na ang kung anu-anong mga appliances sa bahay, eh, humihilik pa rin ako*.
*based on a true story. Yea man, noong bata ako, kapag bumabagyo, bumabaha sa bahay namin sa Bacolod. At kapag nangyayari ang ganoon, inilalagay nila sa kama ang mga appliances para hindi daw kami makuryente. Iyon nga, bumaha, nagkagulo, pero hindi pa rin ako magising-gising. Naglaway pa kamo. Ew, yucky, kadiri.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home