narcissus in drag

some kinda wonderful,yeah!

20050125

pancake on your head!

backdrop:

Pinapakain kami ng kumpanya. May pagitan ng apat na oras ang kainan. Halimbawa, mag-uumpisa sila ng serbisyo ng alas sais ng umaga at matatapos ng alas otso. Ang kasunod, pananghalian na, alas dose ng tanghali hanggang alas dos. Kuha mo na ang sirkulo ng lamunan?

Ngayon ang tsismis:

Kumakain daw sila ng agahan. At bigla raw nagalit ang isang 'bisor (supervisor) dahil mukhang hindi raw na-de-frost ang pancake. Sa tindi ng emosyong nadarama ng nasabing bisor, aba, itinampal daw sa mukha noong serbidor ang naturang pancake. Iyan ang bayolente!

Kuwento lang naman 'to sa akin ni Albert. Puro "apparently" pa nga ang laman ng kuwento niya dahil narinig din lang niya. Alam mo naman ang balita, nag-e-evolve iyan.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home