pahabol
Sa wakas, nakawala na rin si Johnny sa pagiging alipin. Well, at least for one day. Eh kasi naman walang ibang maasahan ang mga magulang niya sa kanilang kainan kaya't siya ang ginawang trabahador habang ang mas nakakatanda niyang kapatid ay pabili-bili lang ng hentai. Nakunsesiya naman ang kuya, nagkusang magtrabaho at bigyan si Johnny ng natatanging day-off matapos nang halos tatlong buwang pagkayod. Iyan ang tinatawag na martir.
Dapat pasko pa kami nagkita-kitang magkakaibigan kaso hindi siya pwede. Nabulok na mga regalo ko sa kanila, natunaw na yelo at hindi pa rin kami nagkatagpo. Tiyempo namang walang pasok si Mayuka, siyempre,dahil Sabado bukas kung kaya't lalabas na rin kami. Sa wakas.
Yeyness.
+-+-+-+-+-+-+
Naaya ako ni Bon na sumama sa dinner party kasama ng mga katrabaho niya. Komo mga dealer rin sila, sumama na ako. May mapapag-usapan naman kami. At nalaman kong dahil may unyon sila, mas malaki kinikita nila kaysa sa amin. Langyang kumpanya ko, ang barat.
+-+-+-+-+-+-+
Trip kong umuwi sa bakasyon. Nag-aayang pumunta ng Boracay. O ano, sama ka?
0 Comments:
Post a Comment
<< Home