narcissus in drag

some kinda wonderful,yeah!

20050213

knocked out

Dapat nga tumba na ako. Tatlong klase ng gamot ang nasa sistema ko kanina, dalawang lagok ng painkiller. Ewan ko ba kung bakit matatag ngayon ang sistema ko? Hindi ako ma-knock-out.

Ilang oras lang ay tatawag na si Johnny. Himala at nagkaroon ulit ng day-off. Labas kaming tatlo nina Mayuka, malamang hatak na rin si Ben no'n.

Nagbasa na ako ng libro, sumubok matulog sa lapag, uminom ng gatas, kumain ng kumain, nanood ng sine. Pero hindi pa rin mapagod-pagod ang mata ko. Siguro kung katabi ko si Bon, mas madali akong makakatulog. Sana nga lumabas na lang ako kasama ni Albert. Tiyak sa kumbinasyon ng toma't droga, makakatulog ako.

Ikaw? Anong panghele mo sa gabi?

0 Comments:

Post a Comment

<< Home