narcissus in drag

some kinda wonderful,yeah!

20041231

ang nakaraan

Heto ako't nagpapalipas ng oras, sa bisperas ng bagong taon, habang naghihintay matapos ang pag-inog ng labada. Isang pelikula na ang nakaraan, dalawang oras ng buhay kong nasayang, nawala na parang bulang hindi ko na maibabalik pa.

Time trickling by, dropping like the sand of my heritage into that murky bottom of the hourglass. I'm wondering what force will turn it around so that I may slip back into myself again?

Kahit sarili kong salita'y hindi ko na mabigkas. Namumutawi na lamang kapag nagugulat. Paminsan 'fuck' pa nga ang lumalabas sa bibig ko't hindi 'puta'.

I can't help it. I am surrounded by them.

Nakakahiyang aminin sa sarili kong ayaw ko nang bumalik kahit kailan. Ang nakaraan ay nakalipas na at kasama na doon ang lumang ako. Ang lupang sinilangan, kinasadlakan ng dusa't pangamba, dambana ng una kong pag-ibig. Nanghihinayang ako, gusto ko mang balikan, sa tingin ko'y hindi ko na kaya.

Nandito ako. Sa gitna ng bukas at kahapon. Isang buntonghininga lang, isang ngiti tungo sa bagong direskyon.

But it seems that I do not have the strength to exhale.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home