narcissus in drag

some kinda wonderful,yeah!

20041211

winter wedding

Truly. Naloloka ang lola n'yo. Grabeh. Ever. Ewan ko ba kung bakit hindi na lang ako nasunog nang kinana ko ang anak ng live-hard Catholic lola na 'to. Minsan iniisip ko, bruha iyong nanay na iyon at nagpalamon ng gayuma sa akin para tumagal ako sa anak n'ya ng ganito. Kunwari pa siyang sister of something something, witch pala ang dating niya.

Bloody stressed out. Kumbaga kapag inilagay ako sa photoshoot ngayon, at sinabi ng photographer sa akin na " give me bitchy", I'll probably give them fucking death, instead. Kasi ba naman noh, ever, ang mata ng loleng na 'to ay namumuti na kakaproblema.

Truly. Hindi ko naman problema iyon. Si Bon kasi, may kapatid. Iyong kapatid niya, member ng singles for christ na lumayo sa tamang landas at kinirengkeng ang isa pa ring miyembro ng singles for christ. Nagkeringkingan silang dalawa. Kering keri ang mga lovebirds kaya ngayon, may kinekeri na silang beybi. Kaya hayan, ang kanilang mother na strictly catholic ay nagpupumilit na ikasal sila before the beybi bursts out.

Eh, itong kapatid ni Bon, ewan ko na lang. Noong nagpamudmod yata ng diskarte ang mothernature or god or whatever, natutulog sa tabtaban. Nag-set sila ng date ng kasalan, namili ng pagkamahal-mahal na damit sabay hinayaan na ang ibang mga etstebureste ng kasalan nila. Ignore na yang reception, yang mga giveaways, paano ang dekorasyon, ang mga pictures. Fuck it all attitude kumbaga. I like it. It's so edgy and wicked.

What I don't like is my indecisive boyfriend planning the whole thing. I mean, he can probably cut a deal with the devil and negotiate to have his soul back in the end, but man, he just can't point a finger at a single thing. He'd point all of his fingers at ten things at once, probably use all his toes, too.

Kaya kagabi, andito siya sa bahay at nag-away kami dahil ayaw niyang makinig sa mga puna kong ang laman ay puro 'stupid' o di naman kaya'y 'ridiculous'. Natapos ang gabi't hindi pa rin naman napagdesisyunan kung anong gagawin sa dekorasyon ng simbahan at ng restaurant, kung anong ipapamudmod sa mga hayok na guests, kung anong itsura ng imbitasyon dahil kahit mismo color motif na lang, hindi pa mapagdesisyunan ng bride kung anong gusto niya.

In the end, I wrote down detailed notes on how each and every thing would go down so that he could just present it to Ian and Rose so that they could finally decide on something.

Kinausap ko siya kagabi at ang napagdesisyunan lang ni Ian at Rose ay baguhin ang venue ng reception. Ngayon, maghahanap pa lang sila kung saan itatambak ang kanilang mga inimbitahang utaw.

They don't seem to fucking realize that their wedding date is in nine days from now.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home