narcissus in drag

some kinda wonderful,yeah!

20050414

halang ang bituka

Wala lang.

Astigin kasing pakinggan. Halang ang bituka. Yeah, baby. Cool yun.

Ewan.

Naprapraning lang ako. Kasi para yatang wala na akong pakiramdam. Walang kakayahang makadama ng mumunting kurot sa puso. Gaya noong nasabi nung arkitek na patay na si papa. Bago lumandi ang mga utak ninyo, hindi fafa ng kung kanino. Si Pope John Paul ( hindi ko alam kung II ba o orig). Nabanggit niya sa tagboard ko. Tapos parang wala lang.

Eh ano ngayon kung patay na si Pope John Paul?

Tamo na. Masyado na yata akong makasarili. Pero talagang wala akong naramdaman nung sinabing patay na siya.

Wala akong alam na ginawa niyang diperensiya sa mundo maliban na lang na naging pinuno siya ng pinakamaimpluwensiyang relihiyon sa paningin ko. Siguro wala akong alam dahil wala akong pakialam.

At bago kayo mag-isip, hindi ako satanista. Pwede ba. (Dagdagan mo pa ng irap). Minsan nga hindi ako naniniwala na may diyos nga, paano pa ako maniniwala sa demonyo.

Kahit na nangingibabaw ang kaluluwang may pagtingin sa Panginoon, parang wala pa ring epekto ang mga lider ng simbahan sa akin.

Eh ano ngayon kung patay na siya? May nabago ba? Marami ang iiyak, maraming malulungkot, pero wala na tayong magagawa. Patay na siya. Bigyan ng respeto ang kanyang pagyao.

Pero hanggang doon lang. Ni gamunggong luha'y walang papatak mula sa aking mga pisngi. Bakit ako tatangis para sa isang taong hindi ko kilala? Hindi ko kaanu-ano?

Isipin mo. Habang nagluluksa ang madla sa pagkamatay ng isang kandila'y ilang babae na ang ginagahasa sa Africa. Gigising sila at babangon, pipiliting makita ang kinabukasang wala na ang mga kaanak na pinaslang, manghihiram ng damit sa kung kanino, manglilimos ng pera para lamang mabigyan ng lagay ang mga sundalong pwedeng mag-abang. At pagdating mo sa tinatawag na medical center, hindi ka nila pwedeng tanggapin dahil hanggang sampu lang ang kaya nilang paglingkuran.Ilang sanggol na ang naipamigay, inilagay sa trak, sinaksakan ng pampatulog para hindi pumiyok, ibinenta sa halagang $ 30,000 ng bansang Tsina dahil lang sa sila'y ipinanganak na babae. Ilang bata na ang sumisikot-sikot sa bundok na basura ng Payatas, naghahanap ng kung anong pwedeng maibenta para malamnan ang sikmura ng sandosenang miyembro ng pamilya nila. Ano ang kinabukasang darating sa isang taong sa umpisa pa lang ay ginipit na ng tadhana?

Hindi ko na kayang lumuha.



0 Comments:

Post a Comment

<< Home